PAMILYA
Isang salita, pitong (7) letra ngunit napakahalaga
Pitong letra na nagbibigay sa'kin ng saya
Saya na hindi matutumbasan ng anumang bagay o pera
Sila ang dahilan kung bakit problema sa skwela hindi ko iniinda
Mga problema sa lagi kong dala-dala
Ako'y tumatawa kahit hindi naman ako masaya
Hindi ko pinapakita na akoy nasasakal na sa mga bagay
na hindi ko gusto ngunit gusto nila
Subalit batid ko ang kanilang dusa upang ako'y makapasok sa eskwela
Kung kaya kahit kurso ay di gusto tatapusin ko hanggang
Aking Diploma ay akin nang dala-dala.